"Why were the Cebuanos surprised that the recognition they got was shared with nine other cities in the Philippines, including Angono"
"A big recognition to our beloved Angono which is not even a city in the first place to get this prestigious recognition"
"A big recognition to our beloved Angono which is not even a city in the first place to get this prestigious recognition"
"CEBU was formally bestowed the title Asean City of Culture yesterday, in a ceremony attended by ambassadors of some of the bloc’s member-countries.
But Cebuanos were surprised when the Department of Foreign Affairs (DFA) revealed that Cebu shares the title with nine other cities in the Philippines."
But Cebuanos were surprised when the Department of Foreign Affairs (DFA) revealed that Cebu shares the title with nine other cities in the Philippines."
To read the full article, visit the sunstar.com.ph websitehttp://www.sunstar.com.ph/cebu/local-news/2011/07/16/cebu-gets-asean-recognition-167165
Editoryal ng Rizal News Online: Dapat kasama ang Angono sa “core group” sa Asean City Culture Capital
ReplyDeleteDapat diplomatikong hingian ng paliwanag ng bayan ng Angono ang Cultural Center of the Philippines at ang National Commission for Culture and the Arts tungkol sa “hindi pagkasama o pagkabilang ng Angono, Rizal sa core group” ng mga lugar sa bansa na binansagang “Asean City Culture Capital.”
Noong nakaraang linggo, ginawaran ng pambansang pamahalaan ang lalawigan ng Cebu ng titulong “Asean City of Culture.” Nangyari ito sa pamamag-itan ng Cultural Center of the Philippines at ng Department of Foreign Affairs.
Gayunman, “nagulat” ang Cebu dahil bukod sa kanila, may siyam (9) pang lugar sa Pilipinas na ginawaran ng nasabing titulo. Kabilang dito ang Manila, Angeles sa Pampanga, Batangas, Cagayan de Oro sa Misamis Oriental, Dapitan sa Zamboanga del Norte, Roxas sa Capiz, Tagbilaran sa Bohol, ang Tarlac.
At ang bayan ng Angono sa ating lalawigan ng Rizal.
Ngunit ang kapansin-pansin dito, hindi kasama o kabilang ang Angono, Rizal sa tinatawag na “core group ng Asean Culture Capital.”
Ayon kay Eva Mari Salvador ng Cultural Center of the Philippines, tatlo sa siyam na lugar ang core group at kabilang dito ang mga sumusunod: ang Manila, na siyang kabisera ng bansa; ang Pangasinan kung saan ginanap ang Asean Ministers for Culture and the Arts na unang tinukoy bilang Asean City of Culture at ang lalawigan ng Cebu.
Bakit hindi kasama sa core group ang bayan ng Angono?
Kapag sinabing “core group,” ito ang mga may mapagpasyang bahagi at desisyon sa magiging kalakaran sa programa, konsepto at proyekto ng Asean City of Culture.
Tingin ng Rizal News Online na “sayang na pagkakataon o kundi pa’y pagdeadma sa kakayahan ng Angono na maging bahagi ng core group” ang hindi pagsama sa Angono sa nasabing grupo.
Kasingkahulugan ng “core” sa wikang Filipino ang ubod. Singkahulugan ng ubod ang sentro. Singkahulugan ng sentro ang capital.
At kung “Art Capital of the Philippines” ang bayan ng Angono, bakit wala ito o hindi isinasama sa ubod ng mga bayan na magtatakda sa mga programa at proyekto kaugnay sa Asean City of Culture?
Sa isang banda, maaaring isipin ng iba na walang kwenta ang paksang ito sa editoryal. Totoo iyon kung magiging kuntento na lamang tayo sa bansag na “E, Asean City o Culture Capital pa rin naman tayo kahit wala tayo sa core group.”
Pero magkakaproblema tayo kapag ganun.
Ang “core” gaya ng nabanggit kanina ay “ubod” at “sentro”. Sa isang tao o sa isang bayan, ito ang puso o kaluluwa.
At kung pumipintig na kaluluwa ng bayan ng Angono ang pagiging “Art Capital of the Philippines,” ang bayan ng Angono ang isa sa pinaka-may “K” o karapatan na mapabilang sa “core group” ng Asean Culture Capital.
Dahil mula Angono, hanggang Pilipinas, hanggang Asya at saan mang sulok ng mundo, taas-noo ang bawat taga-Angono dahil sa maipagmamalaki at dakilang kasaysayan at buhay na kultura, sining at tradisyon ng ating bayan.
Dapat nating igiit at ipaglaban na mapabilang tayo sa core group ng “Asean City o Culture Capital.” #
Salamat G. Gappi ng Rizal News Online sa makabuluhang pagtalakay ukol sa di pagkakasama ng ating bayan sa "core" group ng Asean City of Culture. Maliban marahil sa pondo at "media mileage" na maaaring makuha ng bayan ng Angono kung sakaling napasama sa "core" cities, ang paghingi ng paglilinaw ng lokal na pamahalaan sa CCP ay magpaparating sa mga ahensyang pangnansyunal na handang harapin ng bayan ng Angono ang hamon ng pagiging sentro ng culture and arts di lang sa Pilipinas maging sa timog silangang Asya.
ReplyDelete