Pages

Tuesday 5 July 2011

Sangguniang Bayan Award 2011

Angono Tourism Office (Angono, Rizal) - Info | Facebook


Nominate na mga kababayan at ating kilalanin at bigyan ng nararapat na pagkilala ang mga natatanging mamamayan ng ating bayan.


SANGGUNIANG BAYAN AWARD 2011


Pamantayan:
1. Ipinanganak o naninirahan sa bayan ng Angono
2. Ipinanganak sa ibang bayan ngunit ang ama o ina o pareho ay ipinanganak sa Angono.
3. Walang criminal record.
4. Nakapagbigay ng karangalan sa bayan ng Angono dahil sa siya ay tumutugon sa alinman sa nasasaad sa ibaba:
a. Nakatanggap ng Republic Heritage or Presidential Award.
b. Nakahawak ng tungkuling Direktor sa Pamahalaang Pambansa o mataas pa dito.
c. Nakahawak na ng tungkuling heneral o mataas pa dito
d. Nakahawak na ng tungkuling Presidente sa Pamantasan o mas mataas pa dito.
e. Nakahawak na ng tungkuling Presidente ng mga pangunahin o sadyang malaking bahay kalakal.
f. Nanalo ng Unang gantimpala sa anumang Pambansang paligsahan o Pandaigdig man.
g. Kinilala sa kanyang linya o propesyon ng Pambansa o Pandaigdigang Pamahalaan o samahan na sadyang dalubhasa sa nasabing linya o propesyon.


Kung may kilala kayong tao na pasado sa mga pamantayang isinaad sa taas ay maaaring magpasa ng applikasyon sa Sanggunihang Bayan at tumawag sa 651-3152 para sa dagdag na detalye.

No comments:

Post a Comment